top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Lodging house nagliyab.. Lalaki, nasunog nang buhay

V. Reyes
Jan 9, 2020
1 min read

Natusta nang buhay ang isang lalaki sa sunog na tumupok sa ilang establisimyento sa Quezon Ave., Bgy. Dadiangas West sa General Santos City, Miyerkules ng umaga.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng nasawing biktima habang dalawang iba pa ang isinugod sa pagamutan matapos magtamo ng bahagyang mga sugat.

Ayon sa General Santos City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa lodging house sa lugar kung saan naroon ang nasawing biktima.

Una nang nakita ng ilang nasa lodging house na kumislap ang wire sa isa sa mga kuwarto roon hanggang sa tuluyan na itong kumalat sa buong gusali.

Wala nang halos nakuhang kagamitan ang mga tenant matapos ang sunog. Patuloy nang sinisiyasat ng BFP ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page