top of page
Pokwang.jpg

Laborer, timbog sa shabu

Pabs Hernandez III
Jan 9, 2020
1 min read

NUEVA ECIJA — Inaresto ng pulisya ang isang laborer nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Bagong Sikat, Cabanatuan City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Renier Rayo, 37-anyos, nakatira sa nabanggit na barangay.

Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa nasabing lugar at nang pagbentahan ng shabu ni Rayo ang mga operatiba ay agad nila itong dinakip.

Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.

Nakapiit na si Rayo na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page