top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Inggit kay Maine na may Arjo?… Alden, gusto nang may mailantad na GF ngayong 2020

Erlinda Rapadas
Jan 9, 2020
2 min read

Photo: @aldenrichards02

Lucky guy na maituturing si Alden Richards. Ilang taon nang namamayagpag ang kanyang showbiz career. Dumagsa ang product endorsements at big, big success ang movie nila ni Kathryn Bernardo. Maganda rin ang feedback sa serye niyang The Gift na gabi-gabing napapanood sa GMA-7.

Ngayong taon, may ilan pa ring kahilingan ang Asia’s Multimedia Star. Una na rito ang kanyang magandang kalusugan, ganu’n din ng kanyang pamilya at mga mahal sa buhay. Salamat sa magagandang blessings na dumarating sa kanya.

Nabanggit din ng Pambansang Bae na gusto na rin niyang magkaroon ng love life at malayang mailalantad sa publiko ang babaeng magpapasaya sa kanya. Tulad din sana ng dati niyang ka-love team na si Maine Mendoza na inamin na ang relasyon sa aktor na si Arjo Atayde (anak ni Sylvia Sanchez).

Nagawang ipakipaglaban ni Maine si Arjo sa kabila ng pagtutol ng AlDub Nation. Mas pinili ng Dubsmash Queen ang magpakatotoo at bigyan ng kalayaan ang kanyang sarili.

Tiyak, kapag inilantad na ni Alden sa publiko ang kanyang ‘lady love’, matatanggap din ito ng mga fans nila ni Maine.

****

Kung meron mang mga celebrities ang nakaranas ng hindi magagandang kaganapan sa kanilang buhay noong 2019, sa pagpasok ng 2020, ang Year of the Metal Rat, marami ang umaasa na mas magiging masagana at magaan ang pagpasok ng mga biyaya.

May ilan naman na tuluy-tuloy ang pagdating ng suwerte sa kanilang career tulad ng Pambansang Bae na si Alden Richards na ang pelikulang ginawa katambal si Kathryn Bernardo ay nanatiling Highest Grossing Filipino Film of All Time.

Nanatili pa rin ang init at kinang ng career ni Alden hanggang sa pagpasok ng taon.

****

Taun-taon ay pinaghahandaan ng GMA Network ang kanilang New Year’s Countdown kung saan nagpe-perform ang halos lahat ng Kapuso artists.

Sa latest New Year’s Countdown na ginanap sa Mall of Asia Arena (MOA), muling dumagsa at dinumog ng tao ang nasabing event. Pinangunahan ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang GMA-7 New Year’s Countdown kasama sina Julie Ann San Jose, RitKen tandem, Rayver Cruz, Rocco Nacino, Sanya Lopez, Michelle Dee, Kyline Alcantara, Barbie Forteza, Jak Roberto, Christian Bautista, Mark Bautista, Aicelle Santos, atbp..

Super nag-enjoy ang mga viewers kaya naman sa latest survey, panalung-panalo sa ratings ang GMA-7 New Year’s Countdown at tinalo ang countdown ng ABS-CBN.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page