Horoscope | Enero 9, 2020 (Huwebes)

Sa may kaarawan gayong ENERO 9, 2020 (Huwebes): Malalaking suwerte ang nakalaan para sa iyo kaya pinatitibay at pinatatatag ka ng iyong kapalaran nang sa gayun ay hindi masayang ang mga ito.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong katakutan ang inaakala mong madilim na kapalaran. Ang dilim ay nasa isip mo lang kung saan kapag sumugod, magugulat ka dahil magliliwanag ang buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-29-36-38-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka dahil sa bawat pagkilos mo, may pakinabang ka. Gumalaw ka dahil sa bawat paggalaw mo, aabante ang buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-20-24-31-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Magplano ka at gawin mo agad ang magiging plano mo dahil sa araw na ito, magiging mabunga ang anumang gagawin mo mula sa plano. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-26-29-30-38.
CANCER (June 21-July 22) - Diligan mo ng sipag ang iyong pangarap . Mahalin mo ito tulad ng pagmamahal mo sa magagandang alahas mo. Hindi ka mabibigo dahil tiyak na mapasasaiyo ang mga ito kahit pa ito ay malaki. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-24-32-35-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag nahirapan ka, huminto ka muna. Kapag nabigatan ka, tumigil ka muna. Sa ganitong paraan, mananariwa ang lakas mo at ang gusto mong makuha sa muling pagbanat mo ay tiyak na mapasasakamay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-29-33-38-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magpatalo sa mga negatibong kaisipan na naglalabas-masok sa isipan mo. Isabuhay mo ang pagkilos nang walang kinatatakutang anuman. Ito ang susi para sa iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-16-17-27-28-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong tanggihan ang oportunidad na inaalok sa iyo na may kinalaman sa trabaho sa malayong lugar. Ngayon dumating sa buhay mo ang pagkakataon upang umunlad ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-9-14-15-23-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Parang pinaghaharian ka ng kaduwagan. Magbalik-tanaw ka sa nakaraan kung kailan mas malalaking pagsubok ang iyong nalagpasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-20-25-28-42-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Madaragdagan ang iyong resposibilidad. Gayunman, ito pa rin naman ay iyong kakayanin. Para sa iyo, kapag ginusto mo ang mga imposible para sa iba, madali mo itong makukuha. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-21-26-27-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Kumilos ka at susuwertehin ka, pero sa totoo lang, kapag hindi ka kumilos, kusa pa ring lalapit sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-28-30-36-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dumikit ka sa masayahin at ikaw ay bubuwenasin. Dumikit ka sa malulungkutin at mga paladaing, mahahawa ka at ikaw ay magiging isa sa kanila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-13-29-33-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kailangan mong lumayo nang magbalik ang mga araw kung kailan ay buwenas na buwenas ka. ‘Pag hindi nagagalaw ang tubig sa ilog, nawawala ang ganda ng ilog at tubig. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-19-21-25-36-44.




Comments