top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bentang-benta pa rin sa mga fans, Marian… Show ni Dingdong, tumaas ang ratings dahil kay Antoinette

  • Nitz Miralles
  • Jan 9, 2020
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Thankful si Direk Rico Gutierrez sa mga Kapuso viewers na tumutok sa Amazing Earth on last Sunday’s episode dahil sa mataas nitong ratings na 11.1% na 2% higher sa katapat na show.

Bukod sa magandang episode, na-curious din siguro ang mga viewers na guest ni Dingdong Dantes ang dating girlfriend nitong si Antoinette Taus.

Gusto nilang makita kung okay ang mag-ex, kung walang ilangan at tiyak na natuwa sila sa kanilang napanood.

Wala silang naramdamang nag-iiwasan ang dalawa at parang magkaibigan sa kanilang kuwentuhan.

Napag-usapan nila ang advocacy ni Antoinette tungkol sa environment at nabanggit nito ang mom niya na kilala ni Dingdong.

Puwede pa sigurong magkasama sa trabaho sina Dingdong at Antoinette.

Nabasa namin ang pagko-congratulate ni Antoinette kay Direk Rico.

Speaking of Dingdong, “Big Boss” na ang tawag sa kanya kahit saan magpunta dahil ito ang pangalan ng karakter niya sa Descendants of the Sun.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page