‘Kristo’ niratrat sa sabungan, patay
- Maeng Santos
- Jan 9, 2020
- 1 min read

Patay ang 54-anyos na ‘kristo’ o tagatawag ng taya sa sabungan na umano’y sangkot sa pandaraya sa mga sabungero matapos pagbabarilin sa parking lot ng sabungan sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao, dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan si Alexander Francisco, ng Bgy. San Agustin.
Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Jose Romeo Germinal, alas-6:25 ng gabi, naglalakad ang biktima sa parking area ng Dampalit Cockpit Arena sa Bgy.
Dampalit nang lapitan ito ng gunman saka pinagbabaril sa ulo at katawan.
Matapos nito, sumakay ang gunman sa naghihintay na motorsiklo na minamaneho ng kanyang kasabwat bago nagsitakas patungo sa Obando, Bulacan.
Patuloy naman ang follow-up investigation para sa pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente.





Comments