Mga buwaya, buhay na buhay na naman sa P4.1 trillion 2020 National budget
Kinokondena ng ilang bansa ang pagpatay ng U.S. sa isang Iranian general.
Pinatay ng U.S. ang heneral na namuno sa pagwasak sa ISIS!
◘◘◘
NAGKAISA ang Russia at China na paglabag sa international law ang ginawa ng U.S..
‘Yan ang malaking problema ng mga Kano!
◘◘◘
SISINGILIN daw ng U.S. ang mga itinulong nila.
Tinutulungan nila o winasak nila?
◘◘◘
MALINAW na emosyon ang ginamit ni U.S. President Donald Trump.
Isang pagkakamali ito ngayong taong 2020!
◘◘◘
HINDI malinaw kung paano reresbak ang Iran.
Isa lang ang malinaw, tuloy ang paggawa nila ng nuclear arsenals!
◘◘◘
HINDI pa rin tumitigil ang pagyanig sa Mindanao.
Hindi ‘yan nalalayo sa pagkasunog sa malaking bahagi sa Australia!
◘◘◘
PIRMADO na ang P4.1 trillion 2020 National Budget.
Marami na namang “malalamon” ang mga buwaya!
◘◘◘
MAAARING gamitin ng U.S. si detained Sen. Leila de Lima upang guluhin ang gobyerno ni P-Digong.
Huwag naman sana!
◘◘◘
TAPOS na ang Kapaskuhan ng Kristiyano.
Susunod naman ang Pista ng Itim na Nazareno!
◘◘◘
KAILANGAN munang maipagdiwang ang Chinese New Year.
Ngayon ay Year of the Rat.
Babala ito ng matinding pagdarahop!





Comments