Lahat tayo, meron nito, iba-iba nga lang... Mga regalong hindi kayang tumbasan ng pera
- Jersy Sanchez
- Jan 8, 2020
- 2 min read

Ngayong tapos na ang Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon, may mga regalo tayong natanggap na hindi kinakailangang gastusan kahit piso. For sure, mapapaisip kayo kung ano ang mga regalong ito at kung saan galing.
Well, ito ay mga katangiang ibinigay sa atin ni Jesus Christ at bawat isa ay may kani-kanyang responsibilidad sa bawat katangiang ipinagkaloob na dapat nating gamitin sa mas nakabubuti. Anu-ano ang mga ito?
1. Gift of Listening. Alam n’yo ba na mapagagaan mo ang loob ng isang tao kung pakikinggan n'yo ang lahat ng kanyang sasabihin? Anuman ang kanyang saloobin, wala kang kailangang sabihin tulad ng panghuhusga o pangmamaliit sa kanila. Sa ganitong paraan, maraming tao ang magiging magaan ang kalooban dahil nailalabas nila ang bigat na kanilang nararamdaman.
2. Gift of Affection. Ang yakap, halik at tapik sa balikat ng mga mahal natin sa buhay ay nagbibigay ng kapanatagan at kasiyahan sa kanila. Simple lang ito kung iisipin, ngunit isa rin sa mga makapagpapanatag sa taong may pinagdaraanan. Gayundin, ito ay paraan ng pagsuporta o pagsasabi na nand’yan ka para sa kanila.
3. Gift of Laughter. Kung may ganito kang katangian, siguradong marami kang napapasaya at nakatutulong kang matanggal ang stress ng ibang tao. Dahil “witty” kang magkuwento o mag-joke, napapasaya mo sila tulad ng mga mahal mo sa buhay, kaibigan o katrabaho.
4. Gift of Compliment. Ang simpleng pagpuri sa mga suot na damit, bagong hairdo, sapatos at kung anu-ano pa ay makapagpapaganda ng araw ng pinuri mo, lalo na kung siya ay mahal mo sa buhay tulad ng asawa o karelasyon
dahil nadaragdagan ang kanyang confidence.
5. Gift of Favor. Dahil isa sa mga kasiyahan mo ay ang pagtulong sa ibang tao, sa isang simpleng kabutihan sa kapwa mo kada araw ay malaking tulong na ito sa iyong ginawan ng pabor. Gayundin, ginagawa ito nang kusa at hindi sapilitan dahil may ganito kang katangian at isa ito sa mga nagpapasaya at nakapagpapagaan ng loob mo.
6. Gift of Cheerful Disposition. Maging mabait sa mga taong nakasasalamuha mo araw-araw. Ito ang pinakamabilis na paraan para mapasaya mo ang kanilang damdamin. Ang simpleng pagpapasalamat sa mga staff ng malls o supermarket ay nakapagpaparamdam sa kanila na sila ay naa-appreciate ng mga taong pinagsisilbihan nila.
Ayan, mga ka-BULGAR, isa sa mga nabanggit ay ang katangiang ibinigay sa inyo at ito ang mga regalong hindi makukuha o maaangkin ng iba dahil mayroon tayong kani-kanyang katangian na ibinigay ng Diyos.
Kaya naman gamitin n’yo ito sa loob ng buong taon para happy tayong lahat.
Okie?




Comments