top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Enero 8, 2020 (Miyerkules)

  • Maestro Honorio Ong
  • Jan 8, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong ENERO 8, 2020 (Miyerkules): Tinitiyak ng kapalaran mo na malayo ang iyong mararating. Bukod sa aktuwal na mangyayari, ito rin ay nagsasabing maraming tagumpay ang matitikman mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling gagana ang iyong mayamang kaisipan. Lalayo ang agwat mo sa iyong mga karibal at maiiwanan mo sila nang milya-milya kapag patuloy mong ginamit ang iyong utak. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-19-20-24-30-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong harangan ang paparating na mga suwerte sa iyo. Bakit mo binabakuran ang iyong sarili ng mga negatibong pananaw? Maging positibo ka at tiyak na gaganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-25-30-31-35-44.

GEMINI (May 21-June 20) - Matalino ka, pero sa mga araw na ito, puwede kang maisahan dahil aakalain mong mas maganda ang mga ideya na maririnig mo. Muli, isang paalala, ang akala ay palaging nauuwi sa wala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-17-21-41-45-46.

CANCER (June 21-July 22) - Sakyan mo lang, pero ‘wag mong paniwalaan ang sinumang didikit sa iyo na walang hinto sa kakukuwento. May ilang mga totoo sa sinasabi, pero sa huli ay maaaring ikaw ay magsisisi. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-25-39-40-43-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Magtanim ka ng kabutihan sa iyong kapwa. Aani ka ng matatamis at tila walang katapusang mga biyaya. Iwasan mong magtanim ng galit dahil ang aanihin mo ay mga karamdaman o sakit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-13-16-35-38-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipahiram mo ang iyong magagandang ideya sa mga taong alam mong marunong magpasalamat. Ipagdamot mo sa mga taong kilala mong makasarili at walang ginagawang mabuti. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-19-20-30-33-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Biglang papasok sa isip mo ang pumunta sa malayo. Hindi mo man ito magawa ngayon, ikonsidera mo sa ibang araw dahil sadyang kailangan mong lumayo pansamantala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-9-18-21-27-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagbabalik ang mga araw kung kailan maganda ang takbo ng iyong kapalaran. Manatiling positibo at ang isa pang kailangan mong gawin ay ang mag-isip ng mga bagong ideya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-25-27-39-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Totoong maraming magagandang bagay kang naiisip, pero sa ngayon, sundin mo ang mga payo ng iyong malalapit na kaibigan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-17-26-30-33-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na ang masaganang buhay ay iyo nang makakamtan. Pero isabuhay mo pa rin ang pagiging masinop at mapagmahal sa mga suwerteng hawak mo na. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-19-20-22-32-43.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pumili ka lang ng isa sa napakaraming pangarap mo sa buhay at ang piliin mo ay kung saan ka madadalian at hindi gaanong mahihirapan. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-15-17-23-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muling ipinagkaloob sa iyo ang espesyal na prebilehiyo na kung ano ang gusto mong mangyari sa kapalaran mo, ‘yun na rin ang gugustuhin ng langit na maganap sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-21-28-30-31-34-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page