Epal na pulitiko, bawal sa traslacion

Nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno sa mga ‘epal’ na pulitiko sa Traslacion.
Una nang iniutos ang pagtanggal sa mga banner na ikakabit ng mga pulitiko sa ruta ng Traslacion, bukas.
Aniya, gawing taimtim ang Traslacion ngayong taon dahil ito ay tungkol kay Hesus.
Pinaalalahanan din ng alkalde ang mga nagtitinda na huwag maging oportunista dahil hindi negosyo ang Traslacion.
Huhulihin umano ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga lalabag na mga tindero at tindera.
Samantala, tinatayang aabot sa anim na milyong deboto ang inaasahang makikilahok sa 2020 Traslacion.
Ito ang inihayag ni Quiapo Church social communications coordinator Jonnaus Bautista.
Inaasahan ding mas magiging mabilis ang prusisyon ngayong taon dahil sa pinaikling ruta. Posibleng umabot sa 15-16 oras ang Traslacion sa halip na 23 oras.
Samantala, sinabi naman ni Manila Police District Director PBGen Bernabe Balba na aabot sa 13,000 pulis ang magbabantay sa Traslacion.





Comments