Drug war palpak daw.. Leni, malaking pagkakamali na naging VP! — P-Digong

Tinawag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice- President Leni Robredo na isang “colossal blunder” o isang malaking pagkakamali na nanalo bilang ikalawang-pangulo at wala naman umanong nagawa.
Tinawanan lamang din ni Duterte ang naging kritisismo ni Robredo sa kanyang war on drugs na nagsasalita ng malalaking usapin para sa isang tao ngunit, bahagya lamang ang nilamang noong vice-presidential elections.
“You know, for all of these years, she has done nothing. She is a colossal blunder,” ani Duterte sa panayam sa Malacañang.
“I hate to say this, but how many voters are there in the Philippines? Just do away with the 200,000 plus that she got as a majority over (former Senator Bongbong) Marcos, it was really a mistake,” sabi pa ni Duterte sa payat na lamang ni Robredo sa natalo na si vice-presidential candidate Bongbong Marcos.





Comments