Traslacion 2020, walang pasok
- Mylene Alfonso
- Jan 7, 2020
- 1 min read

Photo: pna.gov.ph (right)
Nagpalabas ng suspension order sa klase sa lahat ng antas at trabaho sa lokal na pamahalaan si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa Huwebes, Enero 9, dahil sa Traslacion 2020 ng Itim na Poong Nazareno.
Batay sa Executive Order No. 2 na nilagdaan ni Moreno, ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante at empleyado na makiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Quiapo.
Hindi naman kasama sa sinuspinde ang trabaho na may kinalaman sa peace and order, public services, traffic enforcement, disaster risk reduction and management at sanitasyon.
Samantala, ipinauubaya ni Moreno ang suspensiyon sa trabaho sa mga national government offices at mga pribadong kumpanya sa diskresyon ng kanilang pamunuan at heads of office.
Nabatid na taun-taon ay milyun-milyong deboto ang nakikilahok sa Traslacion 2020.





Comments