Tips para masulit ang paggamit ng planner
- Jersy Sanchez
- Jan 7, 2020
- 2 min read

Marami sa atin ang nag-aalangang gumamit ng planner dahil para sa kanila, ito ay para lang sa mga tao na maraming plano sa buhay. Well, totoo naman ito, pero sino ba ang nagsabi na hindi ito puwede sa mga taong nagbibisi-busy-han lang? Ha-ha-ha!
Mga beshies, ‘wag nating sayangin ang planner na meron tayo kaya narito ang ilang bagay na puwede n'yong gawin dito:
1. ILISTA ANG MGA EVENTS NA HINDI NAGBABAGO. Bagama’t, ang planner ay kadalasang ginagamit para paglagyan ng mga scheduled travel, bakasyon o meeting, puwede rin itong pagsulatan ng mga events na hindi nagbabago. Halimbawa, birthday ng iyong pamilya at mga kaibigan, due date ng bills, holidays at anniversary.
2. WEEKLY TASKS. Kung ang planner mo ay para sa school requirements, to-do list ng mga trabaho o gawaing-bahay, puwede kang maglaan ng espasyo para sa iyong weekly tasks nang sa gayun ay mas madali mong ma-manage ang buong linggo. Gayundin, puwedeng ilagay dito ang iyong workout routine o meal plan. Ayos ba?
3. DAILY REMINDER. Kung gusto mong maging detalyado ang iyong to-do list, mas oks ito para sa iyo. Halimbawa, schedule ng paglalaba, paglilinis ng bahay o oras ng pag-inom ng gamot nina nanay at tatay. Isingit mo na rin ang date ninyo ng dyowa mo. Hi-hi-hi!
4. LAGYAN NG MGA PABORITONG LINYA. ‘Pag wala kang masyadong maisulat sa notes section, why not gawin itong “gallery” ng mga paborito mong linya ng pelikula, lyrics ng kanta o mga inspiring quote? Kung mas artsy ka, puwede mo itong dagdagan ng doodles o paintbrush art para mas maganda.
5. MAGING CREATIVE. Marahil, nagtataka ka kung para saan ang graphed at bullet pages sa iyong planner at minsan, mapapaisip ka na para sa Math ba ito? Ha-ha-ha! Kidding aside, ‘wag mong sayangin ang mga pahinang ito dahil puwede kang mag-drawing o mag-practice ng iyong calligraphy skills dito.
6. HINDI ITO DIARY. Marami sa atin ang confused sa pagkakaiba ng planner at personal diary. Well, kung gusto mong gawing diary ang iyong planner, make sure na hindi ito basta-basta makikita ng iba, lalo na kung narito ang mga thoughts mo. Gayunman, kung dito mo ilalagay ang iyong record of activities, ‘wag kang masyadong maglagay ng mga personal mong impormasyon.
May laman na ba ang planner mo? Kung wala pa, try mo na ‘to! Make sure na maibabahagi mo ang ilang tips na ito sa iyong mga kaibigan o katrabaho para wala nang masayang na planner sa mga susunod na taon.
Kuha mo?




Comments