Sweet na text ng aktres, nabasa ng girl… Sheryl, dahilan ng hiwalayan ni Jeric at ng non-showbiz GF
- Ronalyn Seminiano
- Jan 7, 2020
- 1 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Photo: @officialsherylcruz
Maugong ang balitang naging mitsa ng breakup ni Jeric Gonzales at ng non-showbiz girlfriend nito ang ka-May-December affair niya sa Magkaagaw serye ng GMA-7 na si Sheryl Cruz.
Habang nasa Japan vacation si Jeric kasama ang GF noong December 26, nakatanggap diumano ang aktor ng text message mula kay Sheryl.
Ang siste, pinipiktyuran ng non-showbiz girl si Jeric gamit ang cellphone ng aktor nang ma-receive nito ang may pagka-sweet na text ni Sheryl at may word pa raw na ‘baby’.
Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon ang guwapong aktor at si Sheryl tungkol sa rumored relationship nila na nagsimula sa role nila sa serye pero ngayon ay mukhang totohanan na.





Comments