Sablay laban sa mga kriminal.. Matatabang pulis, bawal na!

Pinagsabihan ni Philippine National Police (PNP) Chief Lt. General Archie Francisco Gamboa ang mga pulis na overweight o sobra-sobra ang timbang na magbawas at panatilihin ang kanilang pagiging physically fit.
Ipinaalala ni Gen. Gamboa na may katapat na parusa sa mga pulis na hindi nakasusunod sa tamang body mass index o ang naangkop na timbang.
Sinabi pa ng heneral na ang mga pulis na wala sa tamang timbang ay hindi papayagang makapag-schooling, na requirement para sa promosyon.
Binigyang-diin ni Gamboa ang pangangailangan sa lahat ng pulis mula sa kanyang ranggo hanggang sa pinakamababang posisyon na manatiling maayos ang pangangatawan.
Hindi lamang aniya ito para sa imahe ng PNP bilang lumalaban sa mga kriminal kundi sa pansariling kabutihan ng kalusugan ng mga pulis.
Ipinunto pa ni Gamboa na responsibilidad ng bawat pulis na pangalagaan ang kanilang kalusugan kaya mainam na kung mag-ehersisyo ang mga ito para lumiit ang tiyan.
Sinabi rin ni Gamboa na may isang opisyal ng PNP na nagda-diet na simula noong nakaraang linggo at nagyo-yogurt na lang para makabawas sa timbang.





Comments