top of page

Miss U, co-host na sa It's Showtime… Sey ng ilang netizens: Catriona, naging cheap dahil kina Vi

  • Beth Gelena
  • Jan 7, 2020
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: Its Showtime

Ang hula ng mga netizens sa pagpasok ni Catriona Gray sa It’s Showtime bilang isa sa mga hosts na nagsimula kahapon, baka raw sub lang siya sa naka-maternity leave na si Anne Curtis.

Sey naman ng ibang netizens, bu­ma­ba ang admiration level nila sa Miss Universe 2018. Kinuwestiyon nila kung agree si Catriona sa physical hosting nina Vice Ganda, Jhong Hilario at Vhong Navarro at mukhang ka-cheap-an daw ang kan­yang babagsakan kung saka-sakali.

May nagsasabing peg pa rin nila si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil namimili raw ito ng progra­mang sina­sa­lihan.

Sambit ng isang netizen, “Nag-host din si Pia sa It’s Showtime. Meaning, cheap din siya. Pa-classy-classy ek-ek pa, huh!”

Meron namang nagsasabing baka sa pagpasok ni Catriona sa It’s Showtime ay maiba na ang takbo ng programa.

Sabi naman ng ibang netizens, baka gustong baguhin ng ABS-CBN management ang image ni Catriona at ‘yun ay ang ma-penetrate ang masa market.

Anyway, after pumirma ng kontrata, marami pang pro­yektong gagawin si Cat­riona sa ABS-CBN.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page