top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Matabang mamang pulis, bawal na ngayong 2020!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 7, 2020
  • 1 min read

Bagong Taon, bagong simula at bagong rules.

Sa pagpasok ng taong 2020, inianunsiyo ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang bagong alituntunin para sa tamang timbang ng mga pulis.

Oobligahin na ang lahat ng PNP personnel, mula patrolmen hanggang heneral na sundin ang kanilang tamang BMI o body mass index.

Bilang mga awtoridad, dapat nating maipakita ang tamang disiplina at responsibilidad sa pangangalaga ng kalusugan.

Napakahalaga nito lalo na sa mga nagpapatrulya na kailangang tumugon sa physical requirements tulad ng pagtugis sa mga kriminal.

Hindi lang ito para sa trabaho kundi pagmamalasakit na rin sa mismong mga pulis.

Kung maayos ang pangangatawan, may pagkakataong makasama nang mas matagal ang pamilya at mai-enjoy pa ang bunga ng pagbibigay-serbisyo sa pamamagitan ng mga benepisyo na makukuha ‘pag nagretiro.

Samantala, kung ang pulis na sadyang magiging pabaya at hindi maabot ang tamang timbang, hindi ito papayagang makapag-schooling na requirement para sa promosyon.

Kaya sa mga overweight d’yan, lalo na ang mga may naipong dagdag-pounds dahil sa nagdaang kaliwa’t kanang handaan, simulan na ang pag-eehersisyo at tamang diet.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page