Lisensiya ng fishing vessel, dapat i-renew tuwing 3 taon
- Persida Acosta
- Jan 7, 2020
- 1 min read
Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung tuwing kailan dapat i-renew ang lisensiya ng commercial fishing vessel? - Xaira
Dear Xaira, Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Republic Act (R.A.) No. 10654 o mas kilala sa tawag na An Act to Prevent, Deter and Eliminate Illegal, Unreported and Unregulated Fishing, Amending Republic Act 8550, Otherwise Known As “The Philippine Fisheries Code of 1998,” and For Other Purposes. Nakasaad sa Section 8 nito na:
“Section 8. Section 30 of the same Act is hereby amended, as follows:
“SEC. 30. Renewal of Commercial Fishing Vessel License. - The commercial fishing vessel license shall be renewed every three (3) years.
The owner/operator of a fishing vessel has a period of sixty (60) days prior to the expiration of the license within which to renew the same.” (Binigyang-diin)
Ayon sa nasabing batas, ang lisensiya ng commercial fishing vessel ay dapat mai-renew tuwing ikatatlong (3) taon. Ang may-ari o operator ng nasabing fishing vessel ay binibigyan ng 60 days) bago ma-expire ang lisensiya para ito ay i-renew.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments