top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg

Dehado ang 1st at 3rd WTA sa MMTCI

  • Ding Taboy
  • Jan 7, 2020
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

Umulan ng WTA na dehado sa bakuran ng Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas sa Phiracom Rating Based Handicap System Races noong Linggo.

Nagbigay ng magandang dibidendo ang tatlong Winner Take All sa 12 karerang binitawan sa MMTCI. Nagbigay ng P237,378.40 ang unang WTA sa pagkakapanalo ng My Privilege, Kid Kenshin, Sizzling Hot, Yes I Will, Boundary, Batang Novaliches at Only One.

Nagbigay din ng P20,165.80 sa 2nd WTA sa magkakapanalo ng Yes I Will, Boundary, Batang Novaliches at Only One, May Silo, Happy Maggie at Mama Pls. Don’t Cry.

Sa 3rd WTA, naghatid ng P10,292.20 na dibidendo sa pagkakapanalo ng Batang Novaliches, Only One, May Silo, Happy Maggie, Mama Pls. Don’t Cry, Harapin Mo at Laughing Tiger.

Nagpadehado ang Kid Kenshin at Batang Novaliches. Nagsimula ang dehado nang manalo ang Kid Kenshin nang talunin ang Dangerowillie at nasundan ng Batang Novaliches nang talunin ng Willing Willie. Hugandong nanalo ang mga kalahok na May Silo, Happy Maggie at Harapin Mo.

Samantala, balikatan naman ang laban ng My Priviledge at Light and Shade, boundary at Pano Mo Nasabi at Happy Maggie at Marinx.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page