Davao oriental niyanig ng magnitude 5.4
- V. Reyes
- Jan 7, 2020
- 1 min read

Niyanig ng Magnitude 5.4 na lindol ang Davao Oriental na naramdaman sa ilang lugar sa Mindanao, kahapon ng umaga.
Kasabay nito, ibinabala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang posibleng maranasang mga aftershock sa lindol na natunton ang sentro sa layong 72 kilometro timog-silangan ng munisipalidad ng Governor Generoso, Davao Oriental alas-2:58 ng madaling-araw.
Ayon sa Phivolcs, naramdaman ng mga residente ang Intensity IV sa Governor Generoso, Davao Oriental.
Kung pagbabatayan naman ang instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity III sa Alabel at Malungon, Sarangani; Instrumental Intensity II sa Kiamba, Sarangani; General Santos City at Tupi, South Cotabato; at Instrumental Intensity I sa Koronadal City.
May lalim na 50 kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.





Comments