top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Anak kay Gabby na si KC, tablado… Sigaw ni Sharon: Frankie at Miel, 2 anak ko na totoong mahal ako!

  • Ador Saluta
  • Jan 7, 2020
  • 2 min read

Photo: @reallysharoncuneta

Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang ‘di pagsipot ni KC Concepcion sa birthday tribute na ibinigay ng A.S.A.P. Natin ‘To kay Mega­star Sharon Cuneta last Sunday.

Kung ang mga kaibigan nga naman ni Sharon sa showbiz ay nandu’n tulad nina Regine Velasquez, Judy Ann Santos, Sarah Ge­ronimo, Martin Nievera, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Vina Morales at Cherie Gil, plus dumating din ang pamilya ng Megastar sa pangunguna ng mister na si Kiko Pa­ngi­linan at tatlo nilang anak na sina Frankie, Miel at Miguel, tanging si KC lang ang wala.

Kapansin-pansin ding hindi man lang na-mention ni Sharon sa kanyang birthday speech ang panganay na anak kay Gabby Concepcion. At maging sa ipinost niyang collage ng video at photo sa Instagram na may caption na binanggit ang mga pa­nga­lan nina Frankie at Miel, wala si KC.

Makikita rito ang interaction ni Mega­star sa kanyang mga fans, at ang larawan kung saan kasama niya sina Liza Soberano, Enrique Gil, Martin Nievera at mga anak na sina Frankie at Miel.

Ani Sharon sa caption: “[W]ith my beautiful daughters who REALLY love me to the moon and back, Kakie and Miel...”

Komento ng mga netizens, tila pina­sa­ringan ng Megastar si KC dahil sa hindi nito pagsipot sa birthday celebration niya.

Dahil sa pang-iisnab sa birthday celebration ng ina sa A.S.A.P., naba-bash ngayon sa socmed si KC, kaya agad naman itong nag-post sa Instagram account niya nu’ng Linggo.

Isang mensahe ang ipinaabot ni KC pa­ra sa ina. Binanggit niyang hindi siya naka­dalo dahil sa personal na kadahilanan. Hu­mingi rin siya ng sorry sa pagkukulang sa ina.

Kalakip ang throwback photo nilang mag-ina, aniya, “Happy birthday, Mama. [heart emoji]

“I’m sorry I couldn’t join the ASAP celebration for personal reasons.

“We may not be perfect, but in the many ways I know how to LOVE you, I have, I do and I always will.

“I have done all I can to help you when I could and to make you proud knowing you had me so young.

“If I fail, I’m only human and I’m sorry.

“But I try my best. Happiest birthday to you Mama.

“May your light shine brighter and brighter and I will see you soon.

“I love you and pray for your happiness always. [praying, sparkle, heart emojis]”

Meron mang ilang netizens na nang-bash kay Sharon sa parinig kay KC, may mga kumampi rin sa Megastar at sinabing nagpapakatotoo lamang ito sa kanyang nararamdaman.

Ayon naman sa ilan, masyado lang mahal ni Sharon si KC kaya nasaktan ito na wala sa espesyal na araw niya ang pa­nganay na anak.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page