San Juan at Manila manggigiba sa MPBL

Mahaharap ang North division pacesetters San Juan at Manila sa kani-kanilang kasagupa sa pagpapatuloy ng MPBL Chooks-to-Go Lakan Season ngayong Lunes sa San Andres Sports Complex sa Manila.
Hawak ng San Juan Knights ang 20-win, 3-loss record kontra sa Navotas Clutch (6-18) ng 6:45 p.m., kasunod ng bakbakan sa pagitan ng Manila Stars (20-4) at ng Rizal Golden Coolers ((4-18) ng 8:45 p.m.
Mahaharap ang Batangas City Athletics (13-9) kontra Nueva Ecija Vanguards (6-16) sa pagbubukas ng laro ng 4:15 p.m.
Sa ipinagmamalaking may malalim na talent na pinangungunahan ng mga beteranong sina John Wilson, Mac Cardona at Larry Rodriguez, Jhonard Clarito, Justine Baltazar at PBA draftee, pakay ng Go for Gold-backed Knights na talunin ang Clutch na wala na sa kontensiyon ng playoff spot sa 16-team North.
Solidong paborito ang Stars na pinalalakas nina pros Carlo Lastimosa at Gabby Espinas kasama ang PBA draftees na sina Aris Dionisio at Christopher Bitoon laban sa Golden Coolers na wala na rin sa kontensiyon.
Lalaro ang Athletics na pinalakas nina Jeff Viernes at Jhaymo Eguilos, na sadsad sa two-game slide kontra Vanguards na kailangan nilang walisin ang kanilang huling walong laro sa elimination round upang magkaroon ng tsansa sa playoff spot.
Bagamat nagbakasyon ang MPBL at nagdaos ng official game sa Canada noong Dis. 28 (Dis. 29 sa Manila) kung saan ginapi ng Zamboanga ang Imus Bandera, 88-72 sa Seven Chiefs Sportsplex sa Calgary.





Comments