Salamin sa kuwarto na katapat ng kama at pangdispley na may tubig at lupa, malas
- Jersy Sanchez
- Jan 6, 2020
- 2 min read

Tayong mga Pinoy ay maraming pinaniniwalaan na mga malas at suwerteng bagay o pamahiin na minana pa natin sa ating mga ninuno at hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin at patuloy na pinaniniwalaan.
Ngayong nagsimula na ang taong 2020, muli nating papasukin ang mga suwerte na hatid ng mga posisyon ng mga gamit sa ating kuwarto:
1. HIGAAN. Hindi magandang nakatapat ito sa pintuan nang nakadiretso dahil dapat itong pahalang sa pintuan para pumasok ang mga good energy o suwerte.
Puwede rin itong itabi sa pinto na nakahalang.
2. BINTANA. Hindi rin maganda na nakatapat ang higaan sa bintana at nakatapat dito ang ating ulo.
Gayunman, maaaring lagyan ng cabinet bilang pangharang sa bintana o maaari ring ilagay ang kama sa gilid nito upang pumasok ang suwerte sa inyong kuwarto.
3. COMPUTER O TV. Sa panahon ngayon, hindi na rin maiiwasang hindi maglagay ng computer sa kuwarto dahil madalas itong ginagamit sa pag-aaral o trabaho.
Pero hindi naman kailangang iwasang maglagay ng computer o TV dahil pinaniniwalaang hindi makapapasok ang good energy o suwerte.
4. SALAMIN. Huwag maglalagay ng salamin sa kuwarto kung ito ay nakaharap sa ating kama dahil ito raw ay nagdudulot ng bad energy, away, gayundin, hindi ito maganda sa ating kalusugan o maaari kang maging matamlay.
5. SIDETABLE AT LAMPSHADE. Madalas na makikita ito sa mga may-kayang pamilya. Para sa mga mag-asawa, kung maglalagay ng sidetable at lampshade, dapat itong ilagay sa parehong side at kung nais ding maglagay ng upuan, dapat ay dalawa rin para maging balanse ang pagpasok ng suwerte sa inyong kuwarto.
6. DEKORASYON. Oks lang namang maglagay ng mga dekorasyon tulad ng pictures. Para sa mga mag-asawa, dapat ay larawan n’yo lang ang inyong i-display tulad ng wedding photo. Kung family picture naman, dapat itong ilagay sa inyong salas.
Iwasang maglagay ng mga dekorasyong may kaugnayan sa kalikasan tulad ng tubig at lupa dahil nagdudulot ito ng bad energy tulad ng salamin.
7. LEMON. Kombinasyon ng lemon na may asin, asin na may bawang at tubig na may asin at suka. Ito raw ay nakatutulong na humatak ng suwerte, nagtataboy ng kamalasan para sa ating sarili at buhay.
Ayan ang ilan sa mga pinaniniwalaang suwerte sa ating mga tahanan at ating sarili.
Kaya sa mga naniniwala sa pamahiin, kung nais n'yong suwertehin, gawin lamang ang mga nabanggit sa itaas dahil wala namang mawawala kung atin itong susubukan. Copy?
Comments