Pagtulog na nakatapat ang paa sa electric fan o aircon, sanhi ng pulikat
- Shane M. Ludovice, M.D
- Jan 6, 2020
- 1 min read

Dear Doc. Shane, Madalas akong makaranas ng pamumulikat lalo na sa gabi habang natutulog kaya nagigising ako sa sakit nito. Ano ba ang dahilan kung bakit napupulikat ang tao?
Sagot
Narito ang mga dahilan kung bakit pinupulikat ang tao:
• Labis na pag-eehersisyo o physical activities. • Paulit-ulit na paggamit ng parehong muscles. • Madalas na pagtayo nang matagal. • Pag-upo nang hindi wasto o hindi maayos. • Pagtulog na nakatutok sa electric fan o aircon ang mga binti.
Narito ang mga dapat tandaan ng mga taong madalas makaranas ng pamumulikat:
• Kung sakaling pinupulikat habang lumalangoy, huwag mag-panic, piliting mag-float lamang sa tubig habang nagaganap ito. Kapag tapos na ang atake ng pulikat, marahang ikampay ang mga paa hanggang sa makahingi ng tulong sa mga kasama.
• Ang mga naglalaro ng basketball ay karaniwan ding pinupulikat. Matindi ang pressure ng calf muscles habang nagba-basketball.
• Kung madalas ang atake ng pulikat, maiging magpa-blood test para sa level ng calcium sa dugo. Ang mababang level ng blood calcium na tinatawag na “hypocalcemia” ang isa sa mga posibleng sanhi ng pamumulikat.
• Kumain ng pagkaing mayaman sa calcium tulad ng keso, dilis, gatas at iba pang dairy products.
• Kung nakaramdam ng pamumulikat lalo na kung natutulog, iunat lamang ang apektadong binti at piliting higitin pataas ang dulong daliri ng mga paa.
• Kung nakaupo, iunat ang magkabilang binti at paa saka abutin ng kamay ang paa. Hatakin ang dulong daliri ng paa papunta sa direksiyon ng katawan (toes pointing upwards). Panatilihin lamang ang ganu’ng posisyon sa loob ng ilang minuto hanggang sa mawala ang pamumulikat nito.





Comments