P500-P1,000 multa sa na-impound na aso
- Persida Acosta
- Jan 6, 2020
- 1 min read
Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung magkano ang dapat kong bayaran para matubos ang aking aso na na-impound? - Wynne
Dear Wynne, Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Sec. 11 (6) ng Republic Act No. 9482 o mas kilala sa tawag na “Anti-Rabies Act of 2007” kung saan nakasaad na: “Sec. 11. Penalties. - x x x
(6) An impounded dog shall be released to its owner upon payment of a fine of not less than five hundred pesos (P500) but not more than one thousand pesos (P1, 000).” (Binigyang-diin)
Samakatwid, malinaw sa batas na kinakailangang magbayad muna kayo ng multang nagkakahalaga ng hindi bababa sa P500 ngunit, hindi hihigit sa P1,000, bilang may-ari ng aso na nagnanais matubos ang alaga mula sa pagkaka-impound.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments