P-Digong, ipit sa China at U.S., ‘Pinas, damay sa World War III
MARAMI na ang nababahala sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig. Hindi ito tsismis!
****
APEKTADO ang milyun-milyong OFWs. Kapag lumala ang sitwasyon at nagkabombahan sa Middle East, mawawalan ng trabaho ang napakarami nating kababayan!
****
MABOBOKYA ang dollar remittances na gulugod ng ekonomiya ng Pilipinas. Bangkarote ang gobyerno!
****
KAPAG biglang nagkagulo, saan pupunta ang mga OFWs na nagsitakas mula sa Gitnang Silangan? Hindi sila magkakasya sa mga airport!
****
IPAGDASAL nating huwag matuloy ang digmaan. Dahil maging ang Maynila, Palawan at Batanes ay hindi ligtas sa kaguluhan. Ito ay kapag nakisawsaw ang China at Russia!
****
MALINAW na nakatulong ang pakikipagkaibigan ni P-Digong sa China at Russia. Maaaring magdalawang-isip sina Chinese Pres. Xi Jinping at Russian Vladimir Putin na atakehin ang Pilipinas. Siyempre, sa isang kondisyon — hindi magpapagamit ang Pilipinas sa U.S.!
****
KAPAG hindi tinulungan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang U.S. forces, lalabagin nito ang Mutual Defense Treaty at maaaring ideklarang kaaway din ang Pilipinas. Maaaring ito ang “dilemma” o malaking problema ni P-Digong — naiipit siya sa nag-uumpugang “asteroids”!
****
WALANG gagawing “tama” ang Malacañang sakaling magkaroon ng digmaan. Isang malaking palaisipan kay P-Digong, paano niya ililigtas ang Pilipinas mula sa lagim ng digmaan?
****
MAAARING hindi mapagkatulog si P-Digong dahil sa banta ng digmaan. Kahit sino ang maging pangulo ay talagang maha-high blood!
****
PAKINGGAN natin ang pakiusap ni Sen. Christopher “Bong” Go. Ipagdasal natin ang pangulo na “manatili” sa tamang kondisyon at makaiwas sa “atake sa puso”!





Comments