Nabundol ng SUV.. Lola, patay sa doktor
- Maeng Santos
- Jan 6, 2020
- 1 min read

Patay ang 68-anyos na lola matapos mabangga ng sports utility vehicle (SUV) na minamaneho ng isang doktor sa Malabon City.
Binawian ng buhay si Iluminada Matias, ng Bgy. Concepcion habang ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at
katawan.
Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao, kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang driver ng Toyota Fortuner na si Dr. Emmanuel Santos, 58, ng Bgy. Ibaba at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
Sa imbestigasyon nina P/Cpl. Anthony Codog at P/Cpl. Robert Hugo, alas-5:30 ng madaling-araw, minamaneho ni Santos ang SUV habang tinatahak ang kahabaan ng Gen. Luna Street nang lumiko ito sa kaliwa patungong Burgos St. at aksidenteng nabundol ang biktima na tumatawid sa kalsada.
Agad nitong isinugod ang lola sa Ospital ng Malabon at kalaunan ay inilipat sa TMC Hospital.





Comments