top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg

Mala-SARS na daan-daan ang namatay.. Virus galing China, kalat na

  • Madel Moratillo
  • Jan 6, 2020
  • 1 min read

Inatasan ni Health Secretary Francisco Duque III ang Bureau of Quarantine (BOQ) na mahigpit na magbantay sa lahat ng paliparan at pantalan sa bansa laban sa misteryosong sakit na mula umano sa China.

Partikular na pinatututukan ni Duque ang mga pasahero na may lagnat at sintomas ng respiratory infection.

Sinasabing nagkaroon ng exposure ang mga pasyente sa isang palengke sa Wuhan pero, hindi malinaw hanggang ngayon kung paano nakuha ang hindi pa matukoy na klase ng virus.

Iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad sa China ang pagkalat ng sakit kasunod ng mga haka-hakang may kinalaman ito sa severe acute respiratory syndrome (SARS), isang virus na pumatay sa daan-daang tao noong 2000s. Kaya apela ni Duque sa publiko, lalo na ang mga may travel history sa China na agad magpakonsulta sa doktor kung makaranas ng sintomas na tulad sa flu.

Hinikayat din nito ang publiko na ugaliin ang tamang hand hygiene at magtakip ng bibig kapag umuubo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page