Lalaking mas suwerte sa pag-o-OFW kesa magnegosyo kaya palaging lugi
Maestro Honorio Ong

Katanungan
1. Dati akong OFW at bago pa lang akong sumusubaybay sa BULGAR, pero bilib ako sa inyong mga artikulo, lalo na sa guhit ng palad at Numerology. Naisipan ko ring magtanong tungkol sa guhit ng aking mga palad, kung may pag-asa ba akong yumaman?
2. Ang dami ko nang negosyong nasubukan mula nang umuwi ako galing abroad, pero walang nangyari, nalugi lang lahat at utang ang natira sa akin. Nais ko sanang ipabasa ang guhit ng aking mga palad kung may pag-asa pa akong yumaman at sa paanong paraan? Pakianalisa na rin ang birthday kong October 28, 1982. Maraming salamat!
Kasagutan
1. Mas makabubuti ngang hangga’t hindi ka pa gaanong nagkakaedad at may kalakasan ka pang tinataglay sa edad mong 37, mag-abroad ka nang mag-abroad hangga’t tinatanggap at kailangan ka pa ng inyong kumpanya. Ito ang nais sabihin ng maalwan, malawak at malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Tanda na sa panahon ngayon, hindi pa nakalaan sa kapalaran mo ang umasenso sa pamamagitan ng negosyo, bagkus, higit kang magtatagumpay sa tuluy-tuloy na pangingibang-bansa.
2. Ang pag-aanalisang higit kang suwerte abroad sa panahon ngayon kaysa sa pagnenegosyo ay madali namang kinumpirma ng lagda mong tila lumilipad at may anyo o hugis na parang dollar sign sa gitnang bahagi. Ibig sabihin, ngayon pa lang ay nasasagap na ng unconscious mong isipan ang muling pagsakay ng eroplano at napipintong paghawak ng dollar habang ikaw ay nagtatrabaho sa ibayong-dagat.
3. Samantala, kung pagnenegosyo talaga ang gusto mo, pero hindi pa ngayon, dapat ang nature ng negosyo mo ay may kaugnayan sa import-export nang sa gayun ay ang mga produktong gagawin mo o ‘yung mga kalakal na iyong inenegosyo ay magkaroon ng kabayarang hindi peso kundi dollar. Sa ganu’ng nature ng business, uunlad at magtatagumpay ka hanggang sa tuluy-tuloy kang nang yumaman.
Mga Dapat Gawin
1. Ayon sa iyong mga datos, Dante, tulad ng paulit-ulit na nasabi na, hindi pa ngayon ang panahon ng pagnenegosyo sa iyong buhay kundi ang panahon ay para sa pag-a-abroad.
Kaya mas mainam pang itinigil mo na ang pag-eeksperimento mo sa pangangalakal na kadalasan ay nalulugi ka lang.
2. Mas mainam kung muli kang babalik sa ibayong-dagat sapagkat ayon sa iyong mga datos, sa nasabing larangan ka uunlad at tuluy-tuloy na aasenso hanggang sa makaipong muli at makapagnegosyo na nakatakdang mangyari sa taong 2025 sa edad mong 41 pataas (Drawing A. at B. N-N arrow b.).
Sa panahong ‘yun, kapag nagnegosyo kang muli, malaki ang posibilidad na maaari ka nang yumaman.




Comments