Lalaki, tiklo sa P5.7 milyong shabu
BRT
Jan 6, 2020
1 min read

Nasa P5.7 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa isang high-value target sa ikinasang operasyon sa Cebu City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang suspek na si alyas Jhonrey, 36, sinasabing miyembro ng isang drug syndicate na nag-o-operate sa Central Visayas.
Kaugnay nito, nakuha mula sa suspek ang nasa 850 gramo ng hinihinalang shabu.
Aminado naman ang suspek na nagawa niyang magbenta ng droga dahil sa kahirapan.





Comments