top of page
Pokwang.jpg

Hamon sa DA.. Pag-import ng sibuyas, bantayan

Lourdes Abenales
Jan 6, 2020
1 min read

Hinamon ni Senator Imee Marcos ang Department of Agriculture na tiyaking hindi makaaapekto sa lokal na produksiyon ng pulang sibuyas ang plano nitong pag-angkat ng 35,000 metriko-toneladang sibuyas.

Ayon kay Marcos, dapat matiyak ng DA na talagang bababa ang presyo ng sibuyas sa merkado at hindi maaapektuhan ang lokal na sibuyas na aanihin sa Marso.

Nangangamba ang mambabatas na baka mabulok lang sa mga bodega ang mga aangkating sibuyas tulad ng ginawa ng National Food Authority noong nakaraang taon na nag-angkat ng milyun-milyong pisong halaga ng bigas na hindi naman naibenta sa murang halaga.

Kinumpitensiya pa umano ang lokal na palay dahilan para malugi ang maraming magsasaka.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority, nitong nakaraang Disyembre, nasa P195 kada kilo ang wholesale price ng pulang sibuyas.

Sa mga supermarket at grocery, naglalaro ang halaga ng sibuyas sa P150 hanggang P200 kada kilo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page