top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Gobyerno, galaw-galaw para sa mga OFW na magiging tambay

  • Editoryal
  • Jan 6, 2020
  • 1 min read

Naasahang todo-kayod ngayon ang mga ahensiya ng gobyerno, partikular ang mga nangangalaga sa mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa.

Maaaring hindi pa man nasisimulan ang mga hakbang upang maalalayan ang mga manggagawang naapektuhan ng Kuwait partial deployment ban, kailangan nang pag-aralan kung paano sasalubungin ang iba pang verseas Filipino workers (OFWs) na posibleng pauwiin bago pa man maipit sa gulo sa Middle East.

Matatandaang, una nang ipinatigil ang pagpapadala ng mga domestic helper sa Kuwait kasunod ng insidente ng pagpatay sa isa namang OFW.

At dahil sa tumitinding tensiyon sa pagitan ng US at Iran, Iraq at iba pang bansa sa Middle East, ipinanawagan ang pagpapauwi sa higit isang milyong Pinoy sa naturang rehiyon.

Sa ganitong pagkakataon, dapat nang kumilos ang mga ahensiya tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) at nang mabigyan ng alternatibong kabuhayan ang mga OFW.

Tiyak na may darating na mga tulong, pero iba pa rin ang suportang pangmatagalan. Ibahagi natin sa kanila ang iba’t ibang programa na maaari silang sanayin sa iba’t ibang larangan.

Kung may sapat na pondo, bigyan sila ng puhunan at dahil kaliwa’t kanan naman ang mga proyekto ng gobyerno, ipasok natin sila sa trabaho na magagamit ang kanilang kakayahan.

Sa huli, maaaring ito na ang pagkakataon para magkaroon sila ng dahilan na hindi na magsakripisyo o makipagsapalaran pa sa malayo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page