Estudyante, 3 pa huli sa aktong nagsa-shabu

Kalaboso ang apat katao kabilang ang 17-anyos na estudyante na na-rescue ng mga awtoridad matapos maaktuhang nagsa-shabu sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan Police Community Precinct-1 P/Capt. Jeraldson Rivera ang mga naarestong suspek na sina Janis Ian Tamargu, 43; Rodel Punay, 55; Ramil Gonzales, 47, at ang binatilyong estudyante.
Alas-11:50 ng gabi, nakatanggap ng tawag mula sa concerned citizen ang mga tauhan ng PCP-1 at inireport ang isang grupo ng kalalakihan na nagpa-pot session umano sa loob ng isang bahay sa Bgy. 148, Bagong Barrio.
Agad pinuntahan ng mga tauhan ng PCP-1 ang naturang lugar kung saan naabutang bukas ang gate ng naturang bahay at nakita ang mga suspek na sumisinghot ng shabu kaya pinagdarampot.
Narekober sa mga suspek ang dalawang sachets ng shabu na nasa 0.28 gramo at P1,904 ang street value, isang nakabukas na sachet na may bahid ng shabu at ilang drug paraphernalias.





Comments