‘Zero Vendors’ sa Traslacion

Hindi papayagan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang mga ambulant vendors na makapagtinda sa kasagsagan ng Traslacion 2020.
Sinabi ni Moreno sa kanyang “The Capital Report” na ipagbabawal niya ang lahat ng vendor o anumang uri ng obstruction sa buong Quiapo at sa daraanang ruta ng Traslacion.
Layunin umano nito na matiyak ang kaligtasan ng milyun-milyong nakapaang deboto. Taun-taon ay napapaulat ang mga kaso ng pagkasugat sa
kasagsagan ng Traslacion dahil sa mga kalat sa kalsada, partikular na iyong mga streetfood na itinutusok sa stick. Gayundin, ito ay bilang pagbibigay-
galang sa Poong Nazareno.
Kaugnay nito, hiniling ni Moreno ang pakikiisa ng mga taga-Maynila at mga dadalong deboto sa nasabing pista.
Una nang inihayag ni MPD Director P/BGen Bernabe Balba na kabilang na rito ang mga matutulis na bagay, nakamamatay na sandata, nakaboteng inumin at iba pa na maaaring magdulot ng peligro sa mga deboto.
Ayon pa kay Balba, nasa 10,000 pulis ang ilalagay nila sa daraanan ng prusisyon, gayundin sa paligid ng Andas upang magbigay ng seguridad sa lahat ng mga deboto.





Comments