Labanan ang climate change, disiplina, ugaliin
Nancy Binay / Be Nice Tayo
Bago matapos ang 2019 ay sinalanta ng malalakas na bagyo ang ating bansa.
Kamakailan, naghatid tayo sa ilang mga bayan at lalawigan na naapektuhan ng Bagyong Tisoy. Ilan sa mga ito ay ang Cagayan, Isabela, Quezon, Sorsogon, Northern Samar at Occidental Mindoro.
Batid namin na ang tulong na ito ay panandalian lamang at kinakailangan pa ng mas maraming ayuda upang tuluyang makabangon ang ating mga kababayan.
Ngayon naman ay naghahanda tayo upang muling tumulong sa mga apektado ng Bagyong Ursula.
Nais din nating manawagan tungkol sa lumalalang epekto ng climate change o tinatawag na ngayong climate emergency kung saan sobrang apektado ang mga kababayan nating hirap sa buhay. ‘Yung mga kapos sa resources ang mas higit na vulnerable sa mga panganib na dulot ng bagyo, baha at iba pang kalamidad.
Pagtulungan natin ang pagtulong sa kanila upang maagapan o mapagaan ang kanilang mga pinagdaraanan. Ang ating maliit na ambag tulad ng pagtitipid ng tubig, ang tamang pagse-segregate at pagtatapon ng basura ay malayo na ang mararating. Kailangan ng disiplina at araw-araw na paggawa nito upang maging isang ugali at makatulong sa pandaigdigang kampanya laban sa climate change.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments