top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

In-announce ng aktor sa Araneta… Nadine, umaming ayaw aminin si James noon bilang BF, napasubo lang

  • Mercy Lejarde
  • Jan 5, 2020
  • 1 min read

Tinanong ni Luis Manzano, isa sa mga hosts ng ABS-CBN’s Your Moment talent show, ang mga judges ng naturang show na sina Boy Abunda, Billy Crawford at Nadine Lustre kung ano ang pinaka-unforgettable point sa buhay nila na kinailangan nilang gumawa ng isang choice?

“Marami tayong pagdaraanan sa buhay… So, we have a choice every single day… We will do everything we can na mabubuhay tayo na masaya… na walang problema… na iaalay lang natin sa Panginoon kesa mamatay tayo, ‘di ba? Kailangang mabuhay tayo nang masaya… Mabuhay ka… Mabuhay tayong lahat!” sabi ni Billy.

“Ito kasi ‘yung time na… Nu’ng bago pa lang kami ni James (Reid) na together (with matching laughter) sabi ko, huwag na nating sabihin… Huwag na tayong umamin para tahimik … And nu’ng nag-concert kami sa Araneta, bigla niyang inamin, so ako, parang ako, walang choice, hahaha!” may kilig factor na pag-amin ni Nadine.

“So, ayaw niyang umamin (referring to Nadine), so, ako ang nagdesisyon,” birong sabi naman ni Boy Abunda and even added… “So, it was a choice of believing that I wouldn’t make it and believing that I could… So, I choose to be beautiful,” lahad naman ni Kuya Boy at sinang-ayunan ng dalawang Your Moment hosts na sina Luis at Vhong Navarro.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page