top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

After ng French BF na 'di nakatuluyan… Kc, balik kay Apl.De.Ap

  • Erlinda Rapadas
  • Jan 5, 2020
  • 1 min read

Photo: @itskcconcepcion (left)

Matagal nang magkaibigan sina KC Concepcion at Apl.De.Ap ng bandang Black Eyed Peas. Taong 2011 pa ay close na silang dalawa, kaya hindi nakapagtataka kung muling nagkrus ang kanilang landas at nag­kalapit.

Unang naging karelasyon ni KC sina Piolo Pascual at Paulo Avelino. Ang French filmmaker na si Pierre Plassart ang huling naging BF ni KC at bali-balitang last July, 2019 sila naghiwalay.

Naudlot ang inaasahan ng mga kaibigan ng anak ni Sharon Cuneta na magpapakasal na ito sa kanyang French BF. At ngayon, ang may dugong Pinoy na si Apl.De.Ap ang sinasabing bagong pag-ibig ni KC.

Para naman kina Sharon at Gabby Concepcion, hindi nila pinanghihimasukan ang choice ni KC pag­dating sa kanyang love life. Kung saan daw ito mali­gaya, hindi sila tutol kung sinuman ang gustuhin nito. Ang mahalaga ay mamahalin at aalagaan ng guy si KC at hindi sasaktan o paiiyakin.

Besides, nasa tamang edad na si KC at kaya nang gumawa ng major decisions in life. Hindi naman dehado ang dalaga ni Megastar sa musikerong si Apl.De.Ap dahil stable na ito financially na may net o kabuhayan worth 20 million dollars.

At dahil may dugong Pinoy din, tiyak na may magandang ugaling namana sa kanyang ina si Apl.de.Ap.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page