top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Tips para maihanda si bagets sa iskul pagkatapos ng Holiday Season

Justine Daguno
Jan 4, 2020
2 min read

Kung meron mang pinakanag-enjoy sa katatapos na Holiday Season, siguradong ang mga chikiting natin ‘yun. Imagine, halos tatlong linggo silang nakapagpahinga, sana all!

Pero tulad ng mga empleyado, sa Lunes ay balik-eskuwela na rin ang mga estudyante, partikular ang mga nasa elementary at high school.

Kaya naman, narito ang ilang tips para maihanda natin si bagets ngayong back-to-school na sila pagkatapos ng napakahabang Christmas break:

1. I-ADJUST ANG ORAS NG KANILANG TULOG. Kung noong mga nakaraang linggo, late silang nakakatulog dahil ang katwiran ay wala namang pasok kinabukasan, well, ngayong balik-eskuwela na sila, kailangan na nilang ayusin ang schedule ng kanilang pagtulog.

Worry no more dahil may dalawang araw pa sila para mag-adjust ng oras ng tulog.

2. IHANDA NA ANG BAG AT MGA UNIPORME. Matagal-tagal din naisantabi ang kanilang school supplies kaya naman ngayong weekends, siguraduhin nating kumpleto ang mga ito habang ang mga uniporme, sapatos at iba pa ay nalabhan at maayos na. Makabubuti kung meron tayong “back-to-school checklist” nang sa gayun ay organized ang lahat o madali nating malalaman kung may kulang o okay na ang mga ito.

3. SIMULAN ANG ARAW NANG MAS MAAGA. Kung noon ay tinatanghali sila ng gising dahil late nang nakatulog, kailangang muling masanay ang kanilang katawan na magkikilos habang umaga pa lang. Ngayon pa lang ay sikapin na nilang magising nang mas maaga, lalo na kung morning sche-dule sila sa school.

4. SANAYIN SILANG KUMAIN NG ALMUSAL. Malaking bagay kung sanay ang bata na kumain ng almusal. Kapag nag-‘back-to-school’ na sila, importante na sa umaga pa lang ay busog na sila para may energy at madali silang makapag-focus sa mga lessons.

5. TULUNGAN SILANG MAG-REVIEW. Hindi porke wala silang pasok ng ilang linggo, eh, ganu’n na lang ‘yun. Bago pa sila magbalik-eskuwela, make sure na magbasa o i-review muna nila ang kanilang mga lessons para hindi sila mabigla o madali silang makapag-a-adjust sa mga bagong aralin.

Walang masama kung ngayon pa lang ay ihahanda na natin si bagets para sa mismong araw ng pasukan ay wala nang hassle.

Pero siyempre, hangga’t maaari ay idaan natin ito sa maayos na paraan para hindi siya ma-stress na posibleng mauwi sa hindi magandang resulta. Kaya sa mga momshie natin d’yan, alam n’yo na?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page