Sekyu natagpuang patay sa Maisan
NORTH COTABATO — Natagpuang patay ang isang security guard kamakalawa sa taniman ng mais sa Bgy. Genatilan, Pikit.
Ang biktima na may mga sugat, paso at pasa sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Angelito Omicten, 39-anyos nakatira sa Bgy. Calawag sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, huli umanong nakitang buhay si Omicten habang lasing na naglalakad sa taniman ng mais sa nasabing barangay.
Nang hindi umano nakauwi si Omicten ay hinanap ito ng kanyang mga kamag-anak hanggang sa matagpuan ang bangkay nito sa maisan.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga pumatay sa biktima.





Comments