top of page
Pokwang.jpg

Pastor, arestado.. Tatay ng GF, sinaksak sa noo at dibdib, todas

V. Reyes
Jan 4, 2020
1 min read

Patay ang 70-anyos na ama habang sugatan ang kanyang anak makaraang saksakin umano ng nagpakilalang dating pastor sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. 76-A, Davao City, kahapon ng umaga.

Nagpapahinga sa loob ng bahay ang mag-amang biktima na sina Trinidad Barriga at “Mel” nang pasukin ng suspek na si Erwin Capul, umano’y karelasyon ng babaeng biktima.

Batay sa salaysay sa pulisya ng ilang nakasaksing kapitbahay ng mag-ama, noong Huwebes pa naghihintay si Capul sa labas ng bahay ng mga Barriga para makita si Mel.

Matagal na umano kasing hindi nagpapakita si Mel sa suspek.

Nagduda na rin ang mga kapitbahay ng mga biktima sa ikinikilos ni Capul na sumisilip sa loob ng bahay at may ibang tingin sa mga tao roon.

Nang makumpirma ni Capul na nasa bahay na si Mel ay pinasok niya ito ngunit, sa hindi pa malinaw na dahilan ay sinaksak ng suspek si Barriga sa noo at dibdib na agad na ikinamatay nito. Nasaksak din si Mel na naisugod sa ospital at nagpapagaling.

Sinabi ni Capul na nagtalo sila ni Barriga kaya niya ito napatay.

“Ang ikinagalit ng ama nang sabihan ko siya na, ‘ang anak mo, nakikipagtalik na kami. Magkarelasyon kami’. Nagselos siya, kaya pinagpapalo ako,” sabi ni Capul.

Nahaharap ngayon sa kasong frustrated murder at murder si Capul.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page