top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Misis mo, Billy, nang malasing… Suka ni Coleen, pumasok sa bibig ni Edgar Allan

  • Janice DS Navida
  • Jan 4, 2020
  • 3 min read

Tuwang-tuwa si Coleen Garcia nang humarap kahapon sa presscon ng kanyang comeback movie titled Mia kung saan katambal niya for the first time ang kaibigan ng mister niyang si Billy Crawford na si Edgar Allan Guzman.

Two years ago ang huling movie ni Coleen, ang Sin Island with Xian Lim, so ito ang unang pelikula niya pagkatapos makasal kay Billy.

Ang ikinaha-happy ni Coleen ay first movie raw niya ito na puwedeng mapanood ng mga bata. Wholesome kasi ang romantic love story nila ni EA at walang mga sexy scenes.

Kuwento ito ng isang doktor played by Coleen na dahil sa pagkamatay ng kanyang fiance, naging alcoholic. Makikilala naman niya ang character ni EA na tina-transform ang mga mined-out land into rainforests.

Sa presscon, may nakakatawang kuwento si EA tungkol kay Coleen. May eksena raw sila sa bar kung saan nag-iinuman at happy-happy lang sila, then nasuka si Coleen sa kalasingan at pumasok ang suka sa bibig ni EA!

Hindi makalimutan ng magaling na aktor ang nangyari at tawa lang naman nang tawa si Coleen habang ikinukuwento ito ni Edgar Allan.

First team-up nina EA at Coleen sa Mia, pero sa social media pa lang, umani na ng papuri at na-capture na agad ang interes ng mga netizens ng ipinalabas na teaser ng movie na showing sa January 15 sa mga sinehan.

Since Nov. 11 na inilabas ang teaser ng Mia, may 6 million views na ito sa FB at almost 500K views sa YouTube.

Puring-puri rin ng mga netizens ang angat na ganda ni Coleen sa movie na kahit walang make-up ay ang sarap-sarap naman talagang panoorin.

Mula sa direksiyon ni Veronica Velasco at screenplay nila ni Jinky Laurel at produced ng award-winning filmmaker na si Chris Cahilig of Insight 360 Films in partnership with Viva Films, kasama rin sa Mia ang ex-couple na sina William Martinez at Yayo Aguila, Billy Crawford, Star Orjaliza, Jeremy Domingo, Sunshine Teodoro, Pau Benitez and Xenia Barrameda.

Two days bago ang showing ng Mia sa Jan. 15, may National Mia Day sa Cinema 1 ng SM Megamall kung saan ang mga babaeng may name na Mia ay bibigyan ng libreng tickets para makapanood sa special screening sa January 13.

****

Nainterbyu namin si William Martinez after ng presscon ng Mia. Tatay ni Edgar Allan Guzman ang role niya sa movie at happy siya dahil mahaba ang exposure niya at mga dialogues, ‘di raw katulad sa seryeng Ang Probinsyano na bagama’t inabot ng isang buwan ang guesting niya ay limited ang dialogue at halos one-liner lang.

Okay na okay na raw uli si William at kering-keri nang umarte after ma-stroke nu’ng year 2010. Kaya naman nai-enjoy na niya ang mga offers sa kanya at excited na ngang magtuluy-tuloy ang kanyang pagbabalik-showbiz.

Love life-wise, after ng hiwalayan nila ni Yayo, nagkaroon din naman pala ng ilang girlfriends si William pero hindi rin daw nagiging successful kaya sa ngayon, mas gusto muna niyang single na lang.

Hindi na rin daw talaga sila puwedeng magkabalikan pa ng kanyang ex-misis dahil parang sinisilihan ang mga puwet nila tuwing magkakasama.

Na-curious naman kaming itanong sa kanya kung hindi ba niya naisip na balikan na lang ang kanyang ex-GF-love team na si Diamond Star Maricel Soriano, tutal ay pareho na silang single ngayon.

Todo-iling si William, “Wala, wala!” sabay kuwentong, “Nu’ng nakita ko the last time sa TV, sabi ko, hindi masamang meaning ‘yun, sa isip ko lang, ‘Mukhang matrona si Maricel,’” kaya naloka ang mga kausap niyang press people kung nagbibiro lang ba ang aktor o seryoso sa sinabi.

Kasunod nito, naikuwento ni William na may offer na sanang magsama sila sa isang project ni Maricel, kaso akala raw ng aktres, ‘di pa puwedeng magtrabaho si William dahil nga na-stroke kaya tumanggi raw ang Diamond Star sa project.

Pero kung si William ang tatanungin, game na game naman daw siyang makatrabaho uli si Marya at wala naman daw silang personal na away.

Well, after niyang tawaging ‘mukhang matrona’ ang Diamond Star, ewan na lang kung ‘di siya awayin ng Taray Queen. Awww!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page