Lisensiya, exclusive sa ina-apply.. Driver, pang-isang uri ng sasakyan na lang — LTO
- BRT
- Jan 4, 2020
- 1 min read

Mas maghihigpit na ang Land Transportation Office (LTO) sa pag-iisyu ng lisensiya.
Binabalangkas na umano ang driver’s license code na siyang susunding patakaran sa pag-iisyu ng lisensiya sa mga motorista.
Kabilang sa mga probisyon nito ang pagtalaga ng code sa bawat uri ng sasakyan. “Dito sa proposal natin, kapag motorcycle lang ang aaplayan mo, motorcycle lang ang ida-drive mo.
‘Pag tricycle, tricycle only, hindi ka puwedeng mag-drive ng motorcycle. ‘Pag three-wheel, three-wheel lang,” ani Danny Enclea, Asst. Chief, LTO Operations Division.
Gayunman, puwede pa rin umanong makapagmaneho ng ibang uri ng sasakyan sa pamamagitan ng pagkuha ng hiwalay na exam.





Comments