top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Krisis sa tubig, hindi pa tapos, sa kuryente, next na!

  • Ka Ambo
  • Jan 4, 2020
  • 2 min read

TINEPOK ng U.S. ang dalawang Iranian generals sa loob ng teritoryo ng Iraq.

Nagbabala ang mga eksperto na malaking gulo ang magaganap sa daigdig!

****

SA pag-atake ng U.S., biglang lumobo ang presyo ng petrolyo sa daigdig.

Ang Pilipinas, hindi pa apektado ng giyera, pero lumobo nang P4 kada kilo ang LPG gas.

Paano ngayon ‘yan?

****

INAASAHAN ang sunud-sunod na krisis at ang pinakamatindi ay ang power supply.

Nirerebyu na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Power Supply Agreement (PSA) ng Meralco upang hindi kapusin ng supply ng kuryente.

Pero, dinidiskaril ng nagpapakilalang Power for People Coalition (P4P) ang naturang kasunduan sa katwirang hindi raw environment-friendly ang coal plant!

****

SA totoo lang, eksperto o bihasa sa kanilang larangan ang nagrerebyu sa kasunduan kaya malinaw na nanggugulo lamang ang naturang koalisyon na karaniwang dinidiktahan lamang ng mga kaduda-dudang grupo.

Dapat nating maunawaan na ang modernong coal plants ay gumagamit na ng iskema kung paano makaiiwas na makasira ng kapaligiran!

****

KARANIWANG mga coal plants ang pinagmumulan ng power supply kaya nakapagtatakang nanggugulo ang naturang grupo gayung ito na ang ordinary at pinakamatipid na mapagkukunan ng enerhiya sa kasalukuyan.

Sa ngayon ay may krisis sa tubig sapagkat hindi pinaghandaan ang posibleng kakapusan ng supply, pero ngayong gumagawa ng paraan upang magkaroon ng dagdag na suplay sa enerhiya — ginugulo naman ng mga kaduda-dudang grupo!

****

ANG grupong ito ay idinidikit sa nalipasan nang “people power” kung saan kasabay nabuo ang mga dispalinghadong non-government organization na nasangkot sa korupsiyon at mga crusading group na tinutustusan ng mga dayuhan at kalaban ng pamahalaan.

Dapat maging maingat ang lahat sa pagkilatis sa mga grupong nagpapanggap na nagmamalasakit sa kapaligiran pero lihim na nirerendahan ng mga kilusang nagpapahina sa pamahalaan!

****

PINIPILIT ng P4P na ang mga coal plants ay naglalabas ng maruming usok na nakapipinsala sa kalikasan. Lumang isyu na ito dahil may makabagong teknolohiya katulad ng mga High Efficiency Low Emission (HELE) at Ultra-Supercritical coal-fired power plants na ginagamit sa Taiwan at Japan!

****

ANG mga lumang planta na tumatakbo na ng higit sa 25 taon ay ang siyang mga nakapipinsala sa kalikasan, hindi ang makabago o modernong mga planta.

Kung seryoso ang P4P, dapat iprotesta nila ang mga operators ng smoke-belching na mga sasakyan na patuloy na nagpo-pollute sa kapaligiran!

****

BAKIT kaya Meralco lang ang pinag-iinitan ng P4P, samantalang, may ibang kumpanya pa na gumagamit ng coal plants?

Dapat imbestigahan ang grupong ito at alamin kung sino ang kanilang nasa likuran at tunay na pinaglilingkuran!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page