top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope |  Enero 4, 2020 (Sabado)

Maestro Honorio Ong
Jan 4, 2020
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 4, 2020 (Sabado): Nakalulula ang ganda ng iyong kapalaran dahil mas mataas ito kaysa sa iyong pinangarap. Ito ang regalo sa iyo ng langit. Magpasalamat ka at magpuri.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong kaliligtaan na mas mahalaga ang magandang buhay kaysa sa iba pang larangan. Aanhin mo ang saya at ligaya kung sa huli ay wala ka namang naipundar? Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-20-23-30-35-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag masaya ang pamilya, gaganda ang takbo ng buhay. Ito ang ilagay mo sa isipan mo nang sa gayun ay mapabilis ang iyong pag-asenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-25-27-30-31.

GEMINI (May 21-June 20) - Magseryoso ka sa pangarap mo dahil hindi maganda na pabagu-bago ka ng iniisip. Ang pagiging seryoso ay tuluy-tuloy na pagkilos nang hindi natitinag ang tinukoy na pangarap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-10-14-20-21-25.

CANCER (June 21-July 22) - Sinupin mo ang mga biyayang mapasasaiyo at gagamitin mo lang ito sa mga aktibidad na puwedeng lumago. Iwasan mo itong magamit sa mga pagsasaya lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-26-30-34-36.

LEO (July 23-Aug. 22) - Makararanas ka ng hindi magagandang pangyayari mula sa mga tutulungan mo at wala kang maaasahan sa kanila. Ito rin ang dahilan kung bakit mahal ka ng langit kaysa sa kanila. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-19-20-24-30-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayong taong ito, makikita ng mga mata mo ang katotohanan na may karma. Ang mga gumawa sa iyo ng mali ay aani ng kamalasan habang ikaw naman ay aani ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-15-18-24-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kusang iaayos ng kapalaran mo ang iyong buhay ngayong taong ito. Hindi mo man maunawaan, tanggapin mo ito nang maluwag sa loob mo dahil ang mga ito ay para sa ikagaganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-12-26-30-33-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Balewalain mo ang mga negatibong pananaw na labas-pasok sa isipan mo. Ituring mo silang mga multo na nananakot lang, pero wala namang laman at buto. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-19-24-29-30-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumitibay ang pundasyon ng bahay kapag sa bato nakatayo. Isabuhay mo ang pagkakaroon ng hindi natitinag na paninindigan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-16-18-20-18-26.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pahalagahan mo ang bukas dahil ang ngayon ay lumilipas. Ang nagpapahalaga sa kinabukasan ay mabubuhay sa kaunlaran at maligaya kaysa sa iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-16-21-25-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka masaya, roon ka. Ito ang isabuhay mo ngayong taong ito. Walang karapatan ang sinuman na bigyan ka ng kalungkutan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-24-29-30-31-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong tanggihan ang tutulong sa iyo, sa halip, ang tanggihan mo ay ang hindi magandang motibo. Sa ganitong paraan, sila ang magsisisi at hindi ikaw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-21-28-30-35-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page