Basehan para masabing pinal na ang hatol ng korte sa kasong kriminal
Dear Chief Acosta, Kailan masasabing pinal na ang hatol ng hukuman sa kasong kriminal?
- Ulyses
Dear Ulyses, Para sa inyong kaalaman, masasabing final and executory na ang conviction ng tao sa kasong kriminal base sa mga sumusunod na panuntunan:
“(1) When no appeal was timely filed by the accused after the judgment of conviction was promulgated;
(2) When the accused began to commence his sentence, as provided for in the judgment of conviction;
(3) When the accused expressly waived in writing that he or she is no longer interested in filing an appeal, except when the penalty imposed upon him or her is death, in which case the appeal is automatic or his/her case is automatically reviewed by the higher court; and,
(4) When the accused already applied and submitted for probation. (People of the Philippines vs. Salle, Jr., G.R. No. 103567, 4 December 1995, Ponente: Honorable former Chief Justice Hilario Davide, Jr.).”
Samakatwid, kung walang apela na nagawa sa loob ng takdang panahon, kung sinisimulan na ng akusado ang pagtugon sa kanyang sentensiya, kung ipinaubaya na ng akusado na hindi na siya aapela maliban kung sakop ng automatic review ang kanyang conviction at kung nagpasailalim ang akusado sa probation, masasabi nang pinal na ang conviction sa kanyang kaso.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments