top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ang Top 10 Stories ng Chess 2019

Edmundo Paez, Jr.
Jan 4, 2020
2 min read

(Karugtong)

5 - Umakyat sa kani-kanyang trono sina Quizon at WIM Kylen Joy Mordido sa Asian Juniors Chess Championships sa Indonesia. Kuminang si Quizon sa boys blitz habang si Mordido ay hindi nakaldag sa rapid chess noong buwan ng Hulyo.

6 - Buwan ng Agosto nang humaru-rot papunta sa kani-kanyang trono sina Eric Labog Jr., Al-basher Buto, Poddar Srihaan at Ma. Elayza Villa sa 4th Eastern Asia youth Chess Championships sa Bangkok, Thailand. Sa kabuuan, 13 ginto ang nakuha ng chessers ng bansa.

7 - Nagkaroon ng bagong International Master ang Pilipinas matapos na mamayani si Michael Concio Jr. sa 2019 Eastern Asia Juniors and Girls Standard Chess Championships sa First Asian Institute of Technology and Humanities sa Tanauan, Batangas nitong Disyembre. Ang korona ay nangangahulugang nakuha rin ng Pinoy ang isang GM norm. Sa blitz bracket ng torneo, muling nagparamdam si Quizon nang mamayagpag ito.

8 - Bagamat nakakuha ng dalawang ginto at isang pilak sa katatapos na SEAG, ang mga medalya ay nanggaling sa mga hindi karaniwang kategorya (online chess at problem solving). Hindi sila naka-place sa standard, rapid, blitz at fischer random chess.

9 - Noong Hunyo, naiwang nakanganga ang mga paboritong chess masters matapos mamayagpag ang mga dehadong disipulo ng ahedres sa 2019 National Juniors and Girls Open Chess Championships na ginaganap sa Makati. Bitbit ni untitled Jeth Romy Morado ang kartadang pitong panalo, isang tabla at isang talo para sa kabuuang produksyon na 7.5 puntos at mas makinang na tiebreak performance sa korona sa kalalakihan pagkatapos ng 9 rounds. Bagamat may naipon ding 7.5 puntos, naobligang makuntento sa bridesmaid honors ang isa pang untitled entry sa katauhan ni Rhenzi Kyle Sevillano dahil sa mahinang tiebreak points habang naisalba ni second seed IM Daniel Quizon ang huling upuan sa podium. Ang topseed na si IM John Marvin Miciano ay pumang-apat lang.

Sa labanan ng may 66 na kababaihan, halos malinis ang rekord ng umalagwang untitled chesser na si Vic Glydel Derotas dahil sa pitong panalo at dalawang tabla na karga niya. May kalayuan sa likod niya ang semegundang si Woman FIDE Master Samantha Glo Revita (7.0 Puntos) habang itinanghal na 3rd placer si Woman International Master Kylen Joy Mordido (6.5 puntos).

10 - Buwan din ng Hunyo nang itanghal na kampeon sa standard chess sina Mark Jay Bacojo (U14), Eric Labog, Jr. (U18) at Derotas (G18) sa kani-kanyang pangkat pagkatapos ng ikasiyam at huling round ng 20th Association of South East Asian Nations (ASEAN) Age Group Chess Championships sa Mandalay City, Myanmar. Nanalo rin sa blitz si Bacojo kasama si Marie Francois Magpily (G18).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page