top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga anak binastos, tenant pumalag.. Landlord binaril sa mukha, todas

Mylene Alfonso
Jan 3, 2020
1 min read

Patay ang isang landlord matapos barilin sa mukha ng kanyang tenant sa Sampaloc, Manila.

Dead-on-spot si Randy Azucena, 47, sanhi ng mga tama ng bala sa mukha na tumagos sa mata.

Naaresto naman ang suspek na si Jesus Napagal alyas Kosa, 54, jeepney operator at residente ng nasabing lugar.

Narekober mula sa suspek ang ginamit na .45 kalibre sa pagpaslang sa biktima.

Batay sa imbestigasyon ni PEMS Jonathan Bautista, alas-7:30 ng umaga nang mangyari ang krimen sa loob ng compound kung saan nakatira ang biktima at suspek.

Nauna rito, nagpapakain umano ng mga manok na panabong ang biktima nang sumulpot ang suspek at binaril ito sa mukha na tumama sa kanang mata.

Pumasok lamang umano ang suspek sa loob ng kanyang bahay matapos ang krimen hanggang sa dumating ang rumespondeng mga tauhan ng Lacson Police Community Precinct na umaresto sa suspek.

Nabatid na ang suspek ay nangungupahan lamang sa bahay ng biktima na nasa isang compound.

Sa naturang compound, nakatira rin ang mga kaanak ng biktima habang ang suspek ay kasama ang kanyang pamilya kabilang ang dalawang anak na babae.

Napundi umano ang suspek sa biktima dahil tuwing nalalasing ay sinasabihan ang suspek na ‘gusto mo tirahin ko ‘yang dalawang anak mo?’.

Muli umanong inulit ng biktima ang pambabastos sa kanyang mga anak at sa galit ay kumuha ito ng baril at pinaputukan ang biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page