In-enjoy lang ka-live-in, 'di naman pinakasalan… James, nagsawa na kay Nadine, hiwalay na
Beth Gelena / Bulgary Files

Pinalagan ng mga JaDine fans ang isyung hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre. Nag-post pa sila ng picture nina Nadine at James na magkasama bilang pagpapatunay na magkasama ang dalawa na nag-countdown ng New Year’s eve sa Eastwood kung saan nag-perform din ang aktor.
Ayon sa mga fans: “Why is their fake news circulating that JaDine broke up? James was just asked last night during an interview where he & Nadine will celebrate New Year’s eve.”
Sabi ni @Anona Station, “Hindi pa po break ang JaDine! After ng event nina James sa Eastwood, dumiretso sila sa Rockwell kung nasaan sina Nadine pati na rin si Lauren na kapatid ni James tsaka iba pa nilang kaibigan.”
Mas marami naman ang naniniwalang hiwalay na sina Nadine at James. Pinagbasehan kasi ng mga netizens ang mga cryptic posts ni Nadine before New Year.
Ayon sa isang JaDine fan, “Let’s just wait for their confirmation. Kasi, yeah, they were together and that’s good proof but also, Nadine has been posting cryptic things on her IG which James’ sister also replies to with heartbreak emojis. And they haven’t posted about each other in a while. And they’re staying silent so far.”
Hindi rin basehan ng breakup kung walang post na sweet pictures ang celebrity couple nu’ng Christmas at New Year.
Samantala, may nagsasabing promo lang ang ginagawa ng dalawa para sila ay mapag-usapan. Pero, wala naman silang dapat i-promote dahil pareho pa rin silang no project.
Ang iba ay nagmamalasakit kay Nadine.
“If totoo naman ito, hindi na rin nakakagulat. I don’t see James marrying Nadine in the future, eh. He’s a type of guy na happy go lucky. Basta, hindi siya husband material guy kaya hanggang living-in na lang sila, ‘pag nagsawa, thank you na lang and bye, bye.”
Sabi naman ng isang commenter: “Open relationship since business partners sila. James is not as affectionate towards Nadine anymore. Aminin natin ‘yan. Truth hurts and malay mo, best friends na lang sila talaga?”
“Meron silang fan base. Like any partnership they can fake it to look like sila pa rin but in reality, hindi na!”
Well, kung totoong break na sina Nadine at James, malalampasan din siguro nila ang lahat.
Regarding their showbiz career, siguro it’s time na para tutukan ni Nadine ang career niya. Mahusay siyang aktres at sayang kung hindi niya ‘yun ipagpapatuloy.





Comments