top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope |  Enero 3, 2020 (Biyernes)

Maestro Honorio Ong
Jan 3, 2020
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 3, 2020 (Biyernes): Dadaloy ang mga biyaya para sa iyo sa buong taon. Ibahagi mo sa iyong kapwa ang ilan sa mga ito nang sa gayun ay lalo ka pang pagpapalain.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Patuloy mong tutukan ang iyong malala­king ambisyon dahil ang mga kabiguan ay pansa­mantala lang, pero ang tagumpay mo ay hindi ma­aawat ng kahit na sino. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-19-20-24-35-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pag-ibig sa kapwa ang ga­win mong pu­hu­nan ngayong taong ito. Sa ganitong paraan, langit mis­mo ang magpapakita ng pag-ibig sa iyo kung saan ipag­kakaloob Niya ang mga ka­hilingan mo. Masu­wer­teng kulay-white. Tips sa lotto-15-18-20-24-39-44.

GEMINI (May 21-June 20) - Magkikislapan ang magagan­dang pangya­yari sa buhay mo ngayong Bagong Taon. Hindi ka da­pat masilaw sa mga pagkis­lap at huwag mong kalimu­tan ang iyong kinabukasan. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-2-19-20-25-37-40.

CANCER (June 21-July 22) - Samantalahin mo ang taong ito kung paano mo mapauunlad ang iyong buhay. Kabuhayan ang tu­tukan mo at malayo ang iyong mararating. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-24-28-34-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang kaya mo. ‘yun ang ibi­gay mo nga­yong Bagong Taon. Kung ano ang kaya ng langit na ibigay sa iyo, ‘yun ang ma­pasasaiyo. Nakamamang­ha ang ga­ni­tong kapalaran mo. Masu­werteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-20-24-30-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Alisin mo ang iyong pagiging mahiyain. Ilan­tad mo ang iyong galing at husay. Gawin mo ito nga­yong taon nang sa gayun ay ma­ging mabilis ang iyong pag­yaman. Ito ang mensa­he para sa iyo. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-14-25-30-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag na hu­wag kang pa­payag na ma­pa­sailalim ng sinuman. Nga­­yon Bagong Taon, ang pa­halagahan mo ay ang iyong personal na kalaya­an. Ang ligaya ay nasa pa­giging ma­laya. Masuwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-23-36-39-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Unahin mo ang pagpapa­unlad ng bu­hay mo kaysa sa ibang ba­gay. Dito sa mundo, ang sukatan ng buhay ay kung sino ang may kabuhayan. Ito ang mensa­he ng iyong kapalaran. Ma­su­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-25-28-38-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Saya at pa­ngarap, ito ang mangu­ngu­­­na para sa iyo sa taong ito. Mag­saya ka kasabay ang iyong pangarap. ‘Wag kang mag-alala dahil ito mismo ang gusto ng langit na mang­­yari sa buhay mo. Ma­su­werteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-24-38-40-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nahaha­rap ka sa ma­raming gastu­sin ngayong taon at ito ay dahil sa mga suwerteng ma­pa­sa­sakanay mo. Hindi mo mai­iwasang pasayahin ang ma­lalapit sa puso mo. Ma­su­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-18-20-24-39-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakagu­gu­lat ang ga­law ng iyong ka­pa­laran ngayong taong ito. Ta­tangayin ng hangin ang mga nagpapahirap sa iyong ka­looban. Sa pagba­ba­lik ng hangin, mga su­werte ang dala nito para sa iyo. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-24-31-32-36.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung maga­ga­wa mo na ma­ma­syal nang madalas ngayon taong ito, lalong gaganda ang tak­bo ng buhay mo. Hindi maha­laga kung sa malayo o ma­lapit dahil ang impor­tante ay makapasyal ka. Ma­su­werteng kulay-red. Tips sa lotto-9-16-19-20-23-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page