top of page

Besh, hindi suicide ang solusyon... Tips para maging matatag sa mga problema

  • Twincle Esquierdo
  • Jan 3, 2020
  • 2 min read

Ang taong matatag ay kayang bumangon kapag nabigo, nadismaya o may masamang nangyari sa buhay dahil kailangang maging matibay. Natututunan ito mula sa mga negatibo at positibong karanasan sa buhay kahit iba’t iba tayo ng paraan para harapin ang mga ito.

Gayunman, anu-ano ba ang dapat gawin para maging matatag tayong indibidwal? Narito ang ilang paraan:

1. MAGDASAL SA PANGINOON. Una sa lahat, sa Kanya tayo lumapit tuwing nakararanas tayo ng kahinaan dahil Siya ang magbibigay nito. Karamihan sa atin, naaalala lang Siya kapag nakararanas ng kabiguan para humingi ng tulong. Sabi nga nila, kausapin natin Siya, may kailangan man tayo o wala.

2. MAGKAROON NG POSITIBONG PANANAW. Kapag mayroon tayong pinagdaraanan, tumingin pa rin tayo sa better side o mabubuting bagay na nangyari sa atin. Isipin natin kung anu-ano ang mga bagay na makatutulong at nakatulong sa atin. Gayundin, huwag tayong mag-iisip ng mga negatibong bagay at ‘wag panghihinaan ng loob dahil hindi ito makatutulong sa inyong pinagdaraanan.

3. HUMINGI NG PAYO SA TAONG PINAGKAKATIWA-LAAN. Kapag tayo ay naguguluhan, dapat ta-yong humingi ng payo sa mga taong alam na-ting makatutulong sa pinagdaraanan natin. Makinig tayo sa mga payo nila dahil tiyak na magkakaroon tayo ng kaalaman kung paano natin sisimulang ha-rapin ang mga prob-lema natin.

4. MAGPOKUS SA PROBLEMA. Mabuting magpokus kung paano haharapin at sosolusyunan ang problema at hindi sa mga distraction. Dahil hindi natatakasan ang problema, wala tayong choice kundi harapin ito nang maayos at anuman ang mangyari, tanggapin ang resulta nang maluwag sa puso dahil mabigo ka man o hindi, marami pang pagkakataon para bumawi.

5. HARAPIN ANG MGA PROBLEMA. Huwag tayong maging duwag sa pagharap sa mga problemang pinagdaraanan natin. Dahil dito, magiging matatag at matapang tayo, gayundin, matututunan nating tumayo sa sarili nating mga paa. Huwag din tayong magtanim ng sama ng loob sa Diyos kung sa tingin n’yo ay hindi n’yo kayang harapin ang mga pagsubok na ibinibigay Niya sa inyo. Tandaan, hindi Siya magbibigay ng problema kung hindi n’yo ito kayang harapin o solusyunan.

Napakahalaga na maging matatag dahil kung wala ito ay siguradong panghihinaan tayo ng loob at susuko na lang sa problemang pinagdaraanan natin. Sana ay makatulong ang mga nabanggit sa itaas upang tayo ay maging matatag at hindi mawalan ng pag-asa. Muli, palagi tayong manalig sa Diyos upang makayanan ang lahat ng mabigat na pinagdaraanan natin. Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page